Deecee Dualan
  1. My first love is dancing.
  2. Mahilig ako sa beer. Hindi ako nagyoyosi, i gave it a try though, pero di talaga keri.
  3. I don't eat bagoong, ayoko ng suka and the smell of it, ayoko ng patis, pero cool ako sa kanin tapos ulam lang eh sili, toyo at calamansi
  4. Im fond of longsleeves. Kahit summer at tagaktak na ang pawis ko, keri lang.
  5. Ang gaspang ng kamay ko eversince. kahit di naman ako masipag, in other words, tamad ako.
  6. Legit crybaby. Pwede akong umiyak sa cartoons, at sa performance ni David Archuleta.
  7. I stand 5'0. Pero hindi halata. Mukhang 4 something lang ako. I dunno. Contrary to the fact na madaya tingnan ang mga girls, ako ang babaeng maliit tingnan, buti na lang mukha akong matangkad sa picture (which is negative rin pala haha)
  8. Nalilito ako sa kanan at kaliwa. Sobra!
  9. Hopeless romantic.Cynical.Pessimistic. Dysmenorrhea girl. One time, na-confine pa ko. OA
  10. Duwag ako magdrive, pero natuto ako dahil walang tiwala sakin ang mga tao samin. Kasi nerbyosa ako.
  11. Sa lahat ng tinugtugan namin, kabado ako. Nawawala lang sa 3rd or 4th song. So, 'pag 2 songs lang ang ipperform ko, for sure, magkakalat ako.
  12. Takot ako sa araw. Pero mahilig ako sa dagat. Panu yun? Tas hindi ako marunong lumangoy. Haha!
  13. I don't drink soda pwera na lang pag walang choice at nahihiya akong magrequest ng juice sa mga handaan.
  14. 3rd year high school pa nung last na nakita kong itim ang buhok ko.
  15. May drumset ako pero hindi ako marunong magdrums.
  16. Nagsisisi ako bakit di ko tinapos ang Conservatory of Music course ko sa USTe.Hindi ako nakapagtake ng UPCAT dahil pinang-mall ko yung pambayad ko at sobrang pinagsisihan ko yun.
  17. Ako ang HRM grad na hindi marunong magluto.
  18. Sa pagkaen, laging hindi ko na kakainin yung last subo. i dunno. parang nabusog na ko bago pa dumating yung last (kaya naman lagi ako sinesermonan ni boyfie at hindi daw ba ako napapagod sa kakasermon nya.)
  19. Hindi ako nagpupunas pagkaligo kaya putik lagi sa cr, kaya ang tawag sakin ni bf ay pato?
  20. Pag jumebs ako, may baon ako laging isang basong tubig :D
  21. Japan ang bansang pangarap kong puntahan.