Ayeza Pamintuan
Manila, Philippines
Isa, dalawa, tatlo,
Apat na taon sa kolehiyo
Nag-aral, natuto at nag-ipon ng mga abilidad
Mula sa Politeknikong Unibersidad
Naging manunulat noong unang taon
Sa isang pahayagan sa eskwelahan noon
At nang sumunod na taon naman,
Maging isang Student Assistant, aking naranasan
Bilang mga proyekto at responsibilidad sa aking kurso
Mag-organisa ng events, ako ay natuto
Toy drive, pageant, competition at mga seminar din
Mapa’leader or member, ako ay laging all-in
Paminsan-minsan ay nagtuturo ako
Sa mga bata ay part-time tutor ako
Maging graphic artist, saleslady at flyer girl ‘man
Nasubukan din at hinding-hindi aatrasan
Iba’t-ibang proyekto sa paaralan
Pinaghirapan at pinagpuyatan
Hindi madali ngunit walang pagod na ginagalingan
Upang matutuhan ang mundong gustong puntahan
Naging IXM intern at mas naintindihan ang mundong gusto
Ibang pang ahensiya ay akin ding nabisita’t naintihahan
Mahirap ngunit masaya ang Advertising, akin napagtanto
Kaya aking pinaghandaan at ninanais patunguhan