Kayeen Jimenez

Call me Kaye [okay?].

In my 19 years of existence, marami na rin akong napagdaanan, napuntahan, nasaksihan at nakasalamuha na iba't ibang uri ng nilalang. Merong tao, santo, demonyo(?), at pati na rin iba't ibang klase ng hayop na makikita sa zoo. May unggoy, baboy, aso, kuneho, tuta at may buwaya pa nga. Ang lahat ng ito ang humuhubog sa aking pagkatao at nakaaapekto sa kung paano ako makihalubilo.

Sa kasalukuyan, nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo at kumukuha ng kursong hindi ko naman gusto. Mabuti na lang at naipapasa ko pa ang mga sabdyek ko. Salamat kay Lord at sa mga tunay at wagas na kaibigan. Isama na rin natin ang mga kaibigan ni Mama Susan. <iskeyri!> BSEcE po sa SLSU kung itatanong n'yo. Bachelor of Science in Electronics Engineering sa Southern Luzon State University-Main Campus (Lucban, Quezon) po 'yon. Kung paano ako napadpad sa kursong ito ay mahabang kwento at tinatamad akong maglahad sa mga oras na 'to.

"Si Kaye ay isang huwarang mag-aaral, masunuring anak, mabuting kapatid, tapat na kaibigan, maaasahang kasamahan, at higit sa lahat, 'di lang pampamilya, pang-isports pa! Oha?"

Beep. Beep. Beep.

Tama na ang kalokohang 'yan! "In your dreams!" sabi ng roommate ko. Isa kasi s'yang buhay na saksi kung gaano ako ka-late at katamad pumasok sa klase. Minsan, pumapasok ng maaga para mangopya. Warfreak pa nga raw ako at s'ya ang paborito kong awayin. E sa trip kong awayin ang mga kulot, ano magagawa mo? Basagan ng trip?

May pagka-aydeyalistik, romantik(?!?!), at pathetic higit sa lahat e SINGLE (uppercase dapat?). May pagka-bitter sa mga bagay-bagay. Reklamadora at may pagka-echosera. Maarte pero madiskarte. Sa kasalukuyan ay bahagi ng The SPARK Publication ng College of Engineering bilang apprentice. 'Yong pang-noon, h'wag na nating pag-usapan. Rank 1 sa TSAT (The SPARK Admission Test) pero hindi 'yon ang highlight. Ang highlight ng kwento kung bakit ko nasabi 'yon e dahil bilang photojournalist ang pinag-apply-an ko gayong wala akong background sa pagkuha ng litrato. Trip ba. Maiba naman.

Mabait na ate pero hindi mabait sa ate. Mahilig sa mga bagay na kulay dilaw: relo, sapatos, bag, damit, pencil case, tumbler, mug, e-te-ca. Naaaliw maski sa mga kwentong walang kwenta. Mahilig mag-self-pity pero minsan naman e nag-uumapaw ang self-confi.