babes tagaza

tarlac, philippines

SUROT, SUROT GO AWAY ......

hindi man ako talagang sa inyo ay interesado
alam kong oo, kayo ay maliit lang na insekto
dahil sa mga ginawa ninyong kagat sa binti ng Anak ko
sisimulan ko ng kilalanin at ipakilala kayo sa tula ko...

flat ang katawan ninyo, ay may mga anim na paa
walang pakpak, kulay brown na minsa'y nagiging pula
ang gawain ninyo'y manirahan sa mga kutson, kama o maleta
sa mga crack ng sahig, at sa mga singit-singit ng sofa...

mahilig kayong sumipsip ng dugo tila pala kayo bampira
kung kayo'y mangagat, aba, may style pang nakahilera!
pagsalakay ay sa gabi ninyo gagawin na habang natutulog ang biktima
pagkatapos ng tatlong minuto, gagapang na palayo at mamamahinga na...

hanggang sampung buwan daw ang inyong life-span
how i wish, mawala na lang kayo magpakailanman
kung ang dulot ninyo naman ay puro kapestehan lamang
kutis na makinis ng ANAK ko, wag ninyo namang pagpistahan...

bakit tao'y di nagigising para sana kayo ay palisin at tirisin?
sa oras pala ng pag tusok, may kakahayan kayong balat ay pamanhidin
pati sa dugo kayo ay may pang kontra para huwag ito palaputin
I wonder, ano ba ang silbi ninyo sa kalikasan natin...

Isang tanong yan na gusto kong itanong kay Kuya KIM
kaya ninyo daw na huwag kumain kahit ilang linggo pa ang bibilangin
Ganun naman pala, pakiusap ko, Anak ko'y patulugin at wag ng salakayin
Habang naghihintay ng visa, hayaan ninyong Kish Island ay kanya namang enjoyin :)

  • Work
    • finacial advisor
  • Education
    • college level