Andrea Bianca
.pwede kong ihalintulad ang sarili ko sa isang salamin.
bakit?
- una, dahil kung anong ugali ang pinapakita mo sa akin yun din ang ugaling ipapakita ko sa'yo. hindi dahil sa plastik, manggagaya o walang sariling pag uugali. i'm just being fair. i'm done for being stupid. sa panahon ngayon kelangan na tayong lumaban sa paraang hindi tayo makakaapak sa ibang tao pero hidni din tayo maaapakan nila. tama na yung nagrerespetohan tayo diba? :bd
- at dahil dun natutunan kong mag impersonate ng iba't ibang tao pero just doing it for fun at sinisigurado ko muna na okay lang dun sa taong ginagaya ko.
- i'm approachable. karamihan ng classmates and friends ko madalas humihingi ng advices tungkol sa mga problema nila sa buhay o pag ibig. chos! parang tayo, pag tumitingin sa salamin, chinecheck kung okay na ba ang sarili natin. pero ako ang taong kahit magaling magbigay ng advice, hidni ko naman maaply sa sarili kong problema. totoo nga ng madali lang sa salita pero hindi sa gawa.
kagaya ng iba, hindi ako perpektong tao pero para sa akin hindi excuse para maging kontento nalang sa kung ano tayo kung pwede pa namang mas maging magaling tayo diba? para sa akin hindi pwede ang pwede lang.
hindi masarap magkamali. dati ayokong nagkakamali. hindi dahil sa mataas ang pride ko na ayaw kong hihingi ng sorry o magsisi feeling ko lang kasi nababa ang tingin ng ibang tao sa akin tuwing nagkakamali ako. pero ngayon natuto na ako. hindi na ako takot magkamali. wala na akong pakialam kung makagawa man ako ng kamalian sa harap ng mga tao at maging mababa sa paningin nila. kung tutuusin nga mas natututo ako pag nagkakamali ako dahil siguro nadadala ako. sa kamalian nalalaman natin ang tama at mali at sa pagkakaalam noon, sana maiapply natin iyon sa sarili natin at hindi na ulitin pa. ayos lang magkamali pero tama na ang isang beses na kamalian hindi iyong uuit pa ng parehong kamalian dahil nasa huli talaga ang pagsisisi.
masayahin akong tao. pilya.mataray. maarte. makulit. malikot. IMMATURE. pero sa kabila ng iyon seryoso din akong tao. alam ko naman ang limits ko at kaya kong kontrolin ang sarili ko kaya kahit madami akong nega traits hidni yon hadlang para magkaron ako ng madaming kaibigan.
bata pa ako. madami pa akong matututunan. and i believe there's more to life than being somebody who's not really me thankyou and goobye. XD chos