Cyyanne Marin

Hi. Bago ang lahat, magpapakilala muna ko. Ako si CheAnne. 13 years old. Nakatira sa QC,PH. Pinoy. 1/4 Spanish. Single. At isa'ng Catherinian. Weird ang buhay ko, pero masaya naman. Weird din ako. Mahilig ako tumawa. Mababaw ang kaligayahan ko. Mababaw ako kung tutuusin sa kahit ano'ng mga bagay. Kahit ano siguro mapansin ko na nakakatawa, tatawanan ko kahit yung iba di naman natatawa. Diba kase? Ang pagsimangot, nakaka-tanda ng itsura or ganun (Basta Ganun!) Minsan, kahit wala nama'ng dapat tawanan, tinatawanan ko. O, tumatawa ko. Kaya napapagkamalan ako'ng baliw/abnormal/naka-drugs o kung ano-ano pa. Pero siguro, di nila alam, na sa kabila ng lahat ng tawa at mga ngiti ko, may nakatagong sakit. Hindi siya about sa lovelife, wala naman kase ko nun e. O about sa crush or pamilya. About yun sa kaibigan. Kung ieexplain ko dito yun, kulang na kulang yung space kaya i-b-blog ko nalang pag may time kase sobrang habaaaaaa talaga nun. So yun. Basketball lang ang sport na hilig ko. Mahilig din ako kumain,makipagbarahan,makipaglokohan,makipagdaldalan,maki-epal at syempre, ang MAKI-BURAOT :D Takot ako sa bola ng volleyball lalo na kapag tumatalbog na yun ng mataas. Pramis. Duling naman ako pag naglalaro ng badminton. Moody ako. Mahaba ang pasensya. Sobra kung magalit. Madali'ng pakisamahan. Wala'ng pinipiling topic, basta usap kung usap. Wala na'kong pake kung ano yun :) Basta, simple lang naman gusto ko sabihin e. "Kung plastik ka, mas plastik ako. Wala naman kase'ng tao'ng PERPEKTO, Kuha mo?" [Dejoklang] ♥