romantikong pinoy

cainta, rizal

hilig ko ang pagsusulat simula pa noong bata ako. sinusulatan ko ang dingding namin, ang likod ng subject notebook ko, sa pader, sa semento at kung anu-ano pang uri ng vandalisim. malaya ko kasing naipapahayag ang saloobin ko. Madalas kong isulat noon ang "pesteng math", "ang sungit ng math teacher ko", "julia loves ____", "do not enter", "mag-ingat sa aso", "ice for sale", at kung anu-ano pa.

nang magtagal, natutunan ko na mas maganda palang magsulat sa papel lalo na nung nabigyan na kami ng writing exercises sa klase. natutunan ko ring magsulat nang buong pangungusap, talata at sanaysay; hindi na one-liner. at nang magdalaga, natuto na rin akong sumulat ng tula at nag da-diary na rin ako. sarap ma-inlove!

nang makatuntong ako sa kolehiyo, kurso sa pagsusulat ang kinuha ko dahil sa adiksyon ko sa pagbabasa at paglikha ng maikling kwento. sa aking pag-aaral, pati pagsusulat ng balita, investigative reporting at feature writing ay natutunan ko rin. ang sarap nang pakiramdam kapag nagagawan ko ng kwento ang pira-pirasong detalye ng isang pangyayari.

nais ko pang pasukin ang iba't ibang larangan ng pagsusulat, nais ko pang matuto, nais ko pang mangarap. sa susunod isang nobela naman sana ang aking malikha.