Chris ▲

Manila, Philippines

Hello! I’m Ichan at dyan ako kilala ng nakararami. Maging sa eskwelahan man o kahit saan mang lugar. 18 years young. Isang mabuting bata na nag-aaral sa Letran, at kumukuha ng kursong Electrical Engineering. Ako po ay nasa ikatlong antas na.Mahilig kumanta sapagkat iyon ang aking talento.hal ko ang musika dahil ito ang tumutulong sakin kapag ako’y nalulungkot dahil naiibsan nito ang sakit o lunkot na aking nararamdaman. Isang mabait at mapagmahal na kaibigan rin naman.

Ano bang klaseng tao si Ichan? Unang una po ako po ay isang magulong tao. Malakas ang gapak sa ulo lalo na kung ikaw ay ka-close ko. Lahat ng bagay magiging katawa-tawa kapag ako’y naka-usap mo dahil malakas nga ang trip ko. Ngunit pagdating naman sa usapang seryoso ay nagiging maayos naman ako. Syempre hindi naman lahat ay biro. Mahalaga sa’kin ang aking mga kaibigan pati na rin ang aking pamilya dahil sila ang tumutulong sa’kin sa oras ng aking kagipitan. Isang lalaki na may takot sa Diyos. Palaging nagsisimba at nagdadasal. Nagiisa ako ngayon sa buhay. Wala akong kasintahan sa ngayon dahil may iniintay pa akong tamang pagkakataon, kung saan maayos na ang lahat. Hindi naman ako nagmamadali. Dahil alam ko na mahal ako ng Diyos at naniniwala ako na darating ang araw ay dadating din ang babaeng mamahalin ko at mamahalin ako, yung hindi ako lolokohin at sasaktan. Pero ako sasaktan ko siya sa masarap na pamamaraan.JOKE Tamang tao sa tamang panahon ‘yon ang aking pinupunto kaibigan.

  • Education
    • Letran