isang talinhaga

Isa lang naman ang gusto ko noon, ang magsulat.
...magsulat dahil malungkot ako
...magsulat dahil masaya ako

Madalas kapag maingay ang mundo at hindi ko maintindihan ang maraming bagay

...ayaw ko na lamang magtanong
...hinanap ko ang mga sagot
...sa paghahanap ng mga sagot kung bakit may luha, may sakit, may saya, may pag-ibig naging katuwang ko ang lapis at papel.

Hindi ako mahusay na mananalaysay, ngunit sa pamamagitan ng tula natutunan kong ilahad ang aking damdamin.

Ito ang isang bahagi ng aking sarili.

...ang aking kaligayahan

...pira-pirasong gunita

...at kabuluhan

Narito ako, bilang ako... walang pangalan...ngunit may kahulugan!

-ibgu aka Isang Talinhaga