Ivanne Roosevelt Serbeto
Ivanne Roosevelt Serbeto
KAALAMAN NA NATATAGO SA KATAUHAN KO
Ako si Ivanne Roosevelt Dela Virgen Serbeto. Kilala ako sa pangalang Ivanne. Magdadalawapung taon sa ika-26 ng Disyembre, aba di pa naman katandaan. isinilang ako sa bayan ng Batangas, sa Batangas Regional Hospital to be specific. kasalukuyan akong naninirahan sa #653 Sitio V, Baranggay Balagtas, Batangas City, di kalayuan sa mismong bayan ng batangas, abot pa ng langaw ika nga. Padalawa ako sa apat a anak nina Rosebelt at Liza Serbeto. Ang panganay namin si Ivynn, ang sumunod naman sa akin ay si John Iszach, at ang bunso ay ang kaisa-isahang babae, si Christine. Balikan natin ng Konti ang aking pangalan. Mapapansin na kakaiba yung naging spelling diba? I-V-A-N-N-N-E, aba unique ata yan. Sabi sa akin ni papa yun daw pangalan kong yun ay Russian name for Russia. EDI WOW. At yun namang second name ko ay nanggaling mismo sa ngalan ng aking papa, iniba lang ang speling, frfom R-O-S-E-B-E-L-T to R-O-O-S-E-V-E-L-T para mas astig diba. Parang Russian and American yung name ko.Sa ngayon, ako ay kasalukuyang nag aaral sa Batangas State University, Kumukuha ako ng kursong Bachelors of Industrial Technology major in Computer Technology commonly known as BIT-CPT. medyo hightech yung course, kaya ayun medyo mahirap. Nakaabot na din naman ako ng ikaapat na taon. Akalain nyo yun mararating ko din pala are. Pinagbalakan ko na sana na tumigil na at magpapgraduate na sana nung third year dangan na laang at ayaw ng inay at tatay.Goin back to my first schooling, aba dalawa't kalahati pa lang ang edad ko ay nagaaral na ako. Salingkit daw ako nun sa Day Care Center sa aming baranggay. At dahil sa ako ang pinakabata sa amin at ako ay isang "salingkit lang" ay ayun kalong ako ni Ma'am saunahan, saya diba..hahah.. Noong magtatlo at kalahating taon na ako, dun na pormal nabuksan ang una kong taon sa pag-aaral bilang isang nursery student, dun din sa pinaaralan ko nung una. Tapos noon nag kinder na ako sa edad na apat sa Paaralang Central ng Alangilan. Aba dalawang taon din ako sa kinder nun, masipag eh. At sa katunayan nga ay may nakuha din namang isang awad nung maggraduate ng Kinder, "Most Obedient". Anim na taon ako ng tumuntong ako nga elementarya, hanggang sa natapos ko ang anim na taon sa elementarya sa edad na labing isa noong taong 2007-2008. At ayun sa awa ng Diyos wala namang naging bagsak o mababang grado sa 80. Aba akalain nyo yun, nagawa ko yun. Tumuntong ako ng sekondarya sa edad na labing dalawa, sa isa sa kilalang paa