Jhovi Grace Karyll Macabeo
Student in Philippines
Mabuhay! Siya si Jhovi Grace Karyll Macabeo, ang CEO ng “Gantsilyo”. Noong bata pa lamang siya ay natuto na siyang mag gantsilyo dahil sa impluwensya ng Internet, naisipan niyang magsimula ng maliit na negosyo dahil madami ang nagsasabi na maganda ang kanyang mga disenyo, pinagpatuloy niya ang kanyang kasikapan hanggang lumago na ang kanyang negosyo. Ito ngayon ay isang malaking kumpanya na nagbebenta ng mga produkto at nanghihikayat na matuto ang mga mamamayan. Inihahandog nila ang kanilang mga produkto tuwing Lunes hanggang Sabado ng 8:00 AM - 8:00 PM at ang kanilang “crochet lesson” tuwing Lunes at Biyernes simula 3:00 PM - 5:00 PM na matatagpuan sa V-plaza San Sebastian Tarlac City.