Norman Lacambacal

Pwede po ninyo ako tawagin Norms, Man o kahit sa aking pangalan. Isinilang at lumaki ako sa maliit na bayan ng Pateros. Ako ay may pormal na hanap buhay, isa po akong Call Center Agent ngayon.

At kapag ako ay may libreng oras ang hilig ko ay makinig ng mga kanta, mag surf sa internet, at magbasa ng mga libro lalo na mga religious books. Ako ay isang layko o lay people at ako ay nagpapasalamat dahil biniyayaan ako ng Panginoon Diyos na magkaroon ng katolikong magulang at kaya ko ginawa ito dahil nais kong samahan ninyo ako sa aking pagninilay at upang maibahagi sa iba ang tungkol sa pananampalataya na aking kinalakhan.

Sana po ay magustuhan ninyo at sana mas lalong mapalalim ang ating panananalig sa Panginoon tungkol sa mga artikulo na aking ipapaskil dito. Akin pong hinihikayat ang mga mambabasa na kung maaring basahin muna ang pinakalumang artikulo na pinamagatang ISANG KATOLIKONG PAGNINILAY dahil ayun po ang panimula. At para naman bumalik sa Home Page maaaring i-click lamang ang pamagat sa itaas na PANANAMPALATAYANG KATOLIKO AT DEBOSYON. Maraming salamat po sa makababasa nito at sa oras at pagtitiyaga na binigay ninyo para basahin ito. Hehehe! Nawa'y pagpalain tayong lahat ng Panginoon.

I-click ang link na nasa ilalim para sa aking facebook page.

https://www.facebook.com/norman.lacambacal?ref=tn_tnmn