Louie Layon
Muscat, Oman
Isang bagay ang dala dala ko sa aking puso nung akoy umalis sa Brunei pa puntang Oman, yung pananampalatayang ako ay isang Perlas at may bagong lakbayin mula sa Diyos, isang bagong hamon.
Sa pagka lipas ng labing limang taon, Ako ay muling mag sisimula sa isang lakbayain na may gabay ng Diyos para mai-abot ang istorya ng buhay na binago sa bawat tao na aking makakasalamuha at may misyong ibahagi ang salita ng Diyos sa kapwa ko Pilipino dito sa bagong lugar na pinili ng Diyos.