Rayniel Magsino
Si Rayniel(blogger) ay isang makulit at masiyahing bata kaso may pagkamahiyain kapag ka hindi nya kilala yung kasama nya. Mabilis syang mahiya, kasi nasanay sya nung konti lang ang nakakakilala sa kanya. Pero approachable naman sya hindi sya SNOB. Marami din syang mga kaibigan yun nga lang yung iba eh busy sa kani-kanilang pinag gagagawa. Si rayniel ay ipinanganak sa Chinese General Hospital. Nagkaisip sa Maynila, ngunit sya ay lumaki sa Quezon. Nasanay syang mamuhay na malapit sa kanyang pamilya dahil sa kanilang limang magkakapatid eh sya ang bunso. Lahat ng kapatid nya ay may asawa na at sya na lamang ang hindi pa nag aasawa. Ngunit hindi yan ang nasa isip ni Rayniel dahil mataas ang pangarap nya siguro pangalawa lang yan sa nais nyang marating. Dahil kailangan nyang magtapos ng pag-aaral upang ma-iahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Hindi man sila ganoon kahirap ngunit ang gusto ni Rayniel eh mapasarap naman ang buhay ng kanyang mga magulang.
Bata pa lamang si Rayniel ay may angking talino na sya pagdating sa Math ngunit hindi sya pinapalad sa mga sauluhin. Dahil mahina ang kanyang memorya. Habang lumalaki si Rayniel ay patuloy nyang pinag huhusayan ang kanyang talento sa Math, katunayan eh marami na syang nauwing karangalan sa subject na yan.
Nagtapos si Rayniel ng elementarya at sekondarya ng hindi pa nagkakasyota. Kasi inisip nya magiging sagabal lamang ito sa kanyang pag-aaral. Tsaka hindi man sya gwapo eh atleast may ipagmamalaki sya pagdating sa larangan ng pautakan. Noon parang laro lang kay Rayniel ang pagmamahal. Pag nakikita si Crush eh kinikilig at kinakabahan na hindi makapagsalita. Ngunit hanggang doon lang yun. Wala na dahil laging tinatatak ng mga magulang nya sa kanyang utak eh MAG-ARAL NG MAG-ARAL kasi hindi biro ang maging bunso na ang mga kapatid mo eh mga cumlaude ng iba't ibang schools tapos ikaw wala ka man lang mauuwi.