Mystery Guy
Hi Jillian. I'm blessed to meet Archy kasi kung hindi dahil sakanya hindi mo binabasa to ngayon. Sana ma-appreciate mo tong retlet ko and pasensya na kung sobrang late kasi na-busy ako. Gusto ko sanang malaman mo na napakaganda mo. Hindi lang sa muka pati yung loob mo. (di yung kalibugan nang mga gagong tao ha. As in yung ugali mo.) di ko rin alam kung anong nagustuhan ko sayo pero kung ano man yun sayo ko lang nakita yun. Super iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Ayaw ko mag-compare pero kung i-co-compare kita sa ex ko...malinaw na malinaw na wrong choice ako sa ex ko. Pasensya na kung hindi ko kayang magpakilala sayo. Hindi rin talaga ako magpapakilala kahit matagal na kasi alam ko namang wala akong chance sayo. Napaka-simple mo talaga yan yung isang nagustuhan ko sayo. Yung tipong ang bait mo, ang simple mo, di ka maarte, di ka nagme-make up. Yung mga sinasabi mo kay Archy na flaw mo like green nang onti, di marunong mag-drawing or clingy, di ako natu-turn off dun dahil lahat tayo hindi perfect. Kailangan lang natin matututo pano makuntento. Thank you kasi lagi mo akong iniinspire sa araw-araw na pag-gising ko. Isa ka sa mga taong di ko kaya mawala nalang bigla. Thankful ako kay God kasi nakita kita sa bleachers. Dun kita una nakita and hindi ko akalain na magugustuhan kita. Sana wag ka magbago. Sana ganyan ka parin. Sana lagi kang masaya. Masaya na ako makita ka lang masaya pero pag malungkot ka sad din ako kasi sobrang sakit makita ang taong mahal mo masaktan, kung sino man tong swerteng lalaki na gusto mo ngayon...napaka swerte niya sayo, sana mahalin ka rin niya the way nang pagmamahal mo sakanya. Sana wag niya i-break heart mo. Yun lang. Love you.