Nile Zuri

Dumaguete

Isang malayang kasangguni sa negosyo at entrepreneur na may kasaysayan ng mangilan-ngilang pagka-bigo at mga tagumpay na nangingibabaw sa mga pagka-bigong iyon.

Si Nile Zuri ay namumuno sa sa pagganap ng pag benta at kalakalan sa mga kompanya ng iba't ibang industriya. Tinulungan niya ang mga kompanyang ito na kumita sa larangan ng digital marketing, libangan at entertainment, tunay na ari-arian, bahay at lupa, paggawa ng mga directory para sa mga komersyo, pamamahayag, at pag brand ng mamahaling mga gamit.

Natulungan ni Nile ang mga kompanyang ito na kumita ng mahigit - kumulang 50 milyong dolyares sa buong mundo.

Sa Estados Unidos, nag trabaho siya ng dalawang taon sa Travel & Leisure Magazine sa pamamahala ng pagbebenta at pagpabili ng puwang na pang-advertise sa buong bansa.

Labis pa dito, si Nile Zuri ay namahala din sa katulad na operasyon ng pag benta para sa USA Today brand ng Gannett Corporation ng Tyson Corner sa Virginia. Doon, siya ay naging direktor ng bagong tampok para sa "Best of" na serye ng mga advertorial na inisponsor ng mga ahensyang pang-advertise.

Si Nile Zuri ay naging punong taga pamahala ng International Business Directories (IBD), kaanib na kompanya ng AT&T Canada. Tinulungan niya ang kumpanya sa ispesyal n pandaigdig na business-to-business na mga direktoryo, n siya namang ibinenta ng IBD sa iba't ibang kliyente sa Canada, North America and Europe sa pamamagitan ng tele-sales na gamit ang 1,100-ka-tao na call center na proyekto. Sanay na si Nile sa parehong panimulang negosyo at malakihang proyekto ng mga kompanya. Sa IBD, natugunan ni Nile ang pag-eempleyo, pag sanay ng mga tao, pamamahala at pag turo sa mga tao na sumunod sa mga alituntunin ng kompanya.
Pagkatapos nito, si Nile Zuri ay namahala sa rekrutment ng mga trabahante at tagapagpaganap ng mga operasyon at pamamahala ng Gateway Security Group. Ang kompanyang ito ay nag-aalok ng serbisyong pagpaplano at lohistika para sa mga gobyerno, sa United Nations, at mga pribadong companyang militar.

Ang mga pansimunong gawain ng kompanyang ito ay bahaging gamit militar at pamimigay ng gamit sa makataong misyon na nakatutok sa mahihirap na bansa, sa mga kapanig ng NATO, at mga ekonomiyang papunta sa kaunlaran.
Sa kanyang libreng panahon, si Nile Zuri ay nawiwiling magsulat, mag aral tungkol sa mga disenyo at pagbuo ng mga produkto, mga disenyong makabago, at kalusugan.

  • Work
    • Humanitarian