nyzmih geane
Napakaganda ng buhay
kung ating iintindihin at uunawain.
Ang problema kesa problemahin natin,
gawan agad ng solusyon.
Ang mga bagay na lagi nating ginagawa,
pag nakasanayan natin
mas mahihirapan tayong tanggalin.
Kung lagi nating sinasanay na mabuti ang ginagawa natin
mas madali nating maabot ang ating mga pangarap.
Nagsisimula ito sa tamang pag-iisip.
Ang isip natin ang gumagalaw sa buo nating pagkatao.
Kaya panatiliin nating mag-isip ng malinis at magagandang bagay lamang.
Minsan di baleng matalo nalang tayo sa usapan
kesa makipagtalo tayo.
Kapag mainit ang ulo natin,
nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi natin gusto.
Mas nagiging mali ang mga salitang lumalabas sa bibig natin.
Mas maganda na manahimik na lang tayo,
magpahinga at nang sa ganun
kapag maaliwalas na ulit ang isipan natin saka tayo magpaliwanag.
Iwasan nating makasakit ng damdamin ng iba.
Gumawa tayo ng mga bagay na malugod sa mata ng Diyos.
Maniwala ka sa sarili mong kakayahan
at higit sa lahat maniwala ka na merong Diyos na parating nandyan.
Maaring mawala ang lahat ng meron ka pero
SIYA mananatiling nandiyan sa'yo
at lagi mong tandaan kahit anung mangyari
"OK LANG YAN"