Jean Laurice Cruise

Maligayang araw sa pagtuntong sa teritoryo ko!

Ako si Lorie.

Jean Laurice Cruise ang aking "screen name" sa mundo ng World Wide Web.

Simple at masayahing tao lamang ako na nakakatagpo ng tunay na kaligayahan sa piling ng mga taong nagpapakita ng tunay na pagpapahalaga at pagmamahal sa aking pabago-bagong katauhan.

Isa akong dakilang manunulat ng modernong panahon. Hilig kong isalaysay ang mga karanasan kong kapupulutan ng inspirasyon - mga kabiguan at tagumpay na hitik sa makabuluhang aral.

EMO ako - noon hanggang ngayon. Labis akong magbigay ng pagpapahalaga sa ilang taong malaki ang naging papel sa buhay ko. Subalit lagi akong naiiwang mag-isa sa ere at nakabitin sa gitna ng kawalan.

'Di ako nauubusan ng istorya. Siguro gano'n talaga 'pag marami kang karanasan sa lahat ng aspeto ng buhay.

Mundo ko ang teritoryong pinagmamasdan mo ngayon. Anuman ang makita mo ay maaaring nangyari sa tunay na buhay ko, o dili kaya'y produkto lamang ng aking maruming imahinasyon.

Nawa'y maging makulay ang pagbisita mo sa madilim kong mundo at matagpuan mo sana dito ang liwanag na hinahanap mo.

Salamat at isang libong "kame-hame-wave" ang handog ko sa'yo.

BOW. :)