Verlin Santos

Ako, si John Verlin Santos o Verlin Santos (mas komportable ako ng walang John), isa lang akong dating magnanakaw pero ngayon ay isa ng self-proclaim na writer. Pero sa pagkatapos kong isulat ang literary foliong may pamagat na “Ang mga tula ng Pilingerong Makata” na nilalakad kong maging libro ay pwede ng maging ganap, lisensya na lang ang kulang. Namulat sa hirap ng buhay at namuhay sa saya ng mundo. Naniniwala akong walang bagay na mahirap gawin kung iisiping madali lang ito. Kilala ako sa loob ng eskwela bilang "Boy". Kilala rin ako sa labas ng bahay namin bilang “makata” pero bukod pa doon mas kinilala ako bilang isang taong punung-puno ng pangarap.

Labing siyam na taon na akong nabubuhay sa mundong ibabaw at kasalukuyang naninirahan sa Cavite (B 6 L 33 San Miguel 1, Molino IV, Bacoor City, Cavite). Masaya sa piling ng aking mga magulang at dalawang kapatid sa kabila ng mga dagok ng buhay. Pero walang bagay na pwedeng humadlang sa akin para gawin ko ang mga bagay na sobrang mahal kong gawin. Sumusulat ako hindi dahil sa gusto ko kundi dahil kailangan. Bata pa lang ako ng matauhan at tsaka ko lang nasabi sa sarili na magiging writer ako.

Kasalukuyan akong mag-aaral ngayon ng Cavite State University - Imus sa kursong AB Mass Communication. Mahilig akong magbasa ng mga textbooks at mga general references na babasahin kaysa sa mga gawang wattpad. Gumagawa rin ako ng mga videos na pinopost ko sa youtube na ako mismo ang nag-didirect. Maliban pa doon, ako rin ay isang event coordinator at freelance photo and videographer na dahilan para makapag-ipon ako ng pera kahit wala naman akong mga gamit. Buti na lang ay meron akong lakas ng loob, kakayahan para maglay-out at mag-edit at dunong para pumasok sa ganoong larangan. Naging presidente sa Rotaract Club ng dalawang taon at naging Public Image Director sa mas mataas na komite. Ngayon ay isa pa rin akong estudyante at patuloy na sumusulat para sa aking pangarap.

Maraming salamat po!

  • Work
    • Freelance Event Coordinator and Videogrpaher
  • Education
    • AB Mass Communication