Jerald Villareal

Ako si Jerald Bagsit Villareal, ipinanganak noong Mayo 15, 1995 sa liblib na lugar ng Sorosoro Ilaya, Batangas City. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid. Nag-aral ako sa Sorosoro Elementary School at nagpatuloy sa Batangas National High School at kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Industrial Technology sa Batangas State University.

Noong nasa high school ako ay marami akong nakilalang tao na malaki ang naitulong sa akin. Unang-una na ay ang aking mga kaibigan pati mga guro na naging malapit sa akin. Naging masaya ang panahon na ako ay nasa BNHS ngunit napaka ikli ng apat na taon para doon.

Bago ako nakarating sa Batangas State University ay kumuha ako ng kursong engineering sa Westmead International School. Ngunit nagkaroon ako ng bagsak na grado kaya napilitan na lumipat ng ibang kurso. Dahil nawala ang scholarship ko sa nasabing eskwelahan ay nag-transfer ako sa BSU.

Ito ang pinakamahirap na bagay na naranasan ko. Hindi madali para sa akin ang lumipat ng ibang school. Ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob dahil alam kong maraming tao ang nagtitiwala sa akin. Pinilit ko ulit bumangon at matuto sa mga nagawa kong mali. Alam kong kasalanan ko rin kung bakit ako nagkaroon ng bagsak na marka. Nasa huli talaga ang pagsisisi, ngunit ginawa koi tong inspirasyon upang hindi na ulit ako mapunta sa ganoong sitwasyon. Nag- aral na akong mabuti at ngayon ay 4th year college na ako.

Malaki ang utang na loob ko sa aking pamilya at sa babaeng aking minamahal, sila ang tumulong sa akin na malampasan ang mga pagsubok sa buhay. Balang araw ay ibabalik ko rin sa kanila ang kabutihang ginawa nila sa akin.

Marahil ay malulungkot na pangyayari lamang ang nangyari sa aking buhay, pero kung papipiliin ako ng pinakamasayang parte ng aking buhay ay noong makilala ko si amie jane na naging malaking parte ng aking buhay. Nagkakilala kami noong 2nd year high school, dahil ng isang kaibigan, nagkapalagayan kai ng loob kahit na alam kong mas matanda siya sa akin ng limang taon, noon ay nag-aaral siya ng nursing sa BSU. Naging kami noong January 24, 2009 at hanggang sa kasalukuyan. Maraming bagay na pareho naming gusto, minsan ay nag-aaway rin kami pero hindi namin tinatapos ang araw ng hindi kami nagkakaayos. Nakapunta na rin kami sa iba’t-ibang lugar dahil iyon ang paborito naming gawin. Hindi ako nagsasawa na kasama siya, gusto ko na palagi ko siyang kasama.

Masasabi ko na kahit ako ay nadapa ay natuto pa rin akong bumangon, at k