Ako si Sumuko
SUMUKO. Ng Wattpad, at ng wattpad lang.
Bakit nga ba "Sumuko" ang napili kong itawag sa akin? Hindi ko din alam. Sa katunayan, mismong ako, hindi ko masagot ang sarili kong tanong. Maaari sigurong sa darating na panahon... Masasabi kong ako nga talaga 'to.
Pinangalanan ako bilang Sampaguita L. dela Rosa. Mabulaklak, hindi ba? Maaari mo akong tawagin sa mga palayaw na Sam at Sampy. Ako... si Sumuko.
Kuryusidad ang natatanging dahilan ko kung bakit nananatili pa 'kong nabubuhay sa mundong ito. At insekyuridad. Hahaha.
Hindi ako masungit. Sabi ko.
Hindi ako maganda. Opinyon ng iba.
Hindi daw ako masama. Pero, alam ko sa sarili ko, oo.
Hindi daw ako bobo. Ows? Ano 'yan? Joke?