Tan
Tan
Ako si Tan. Ayoko ng first name ko kaya hindi ko ito ginagamit.
Mahilig ako magbasa, magsulat, magmuni-muni at manood ng pelikula ni John Lloyd, 90s movies (comedy at rom-com) at pelikula ni John Hughes.
Meron akong hikaw sa kilay kasi ginaya ko yong pinsan kong nagpalagay ng hikaw sa kilay. (UPDATE natanggal na ang hikaw ko.)
Gusto ko magpa-tattoo ng star, moon, serotonin, dopamine, roman numeral ng birthday ko at atom.
Ayokong nababasa at napapawisan.
Random ako. Weirdo rin siguro. Sinusubukan kong mawalan ng pakialam sa mundo pero mahirap.
Mahilig ako mag-Instagram.
Favorite ko ang keso, french fries, peanut butter at saging. Saka ang Nilagang Baka.
Sobrang selosa at siguro kulang sa pansin. Lumaki ka ba naman na palaging nagsecelebrate nang sabay yong dalawa mong kapatid, ewan ko na lang.
Minsan gusto ko maging matalino at articulate.Madalas gusto ko lang talaga matulog at kumain at uminom ng kape.
Tinatawanan ko lahat ng bagay. Kahit hindi naman talaga nakakatawa yong pinaguusapan. Hindi ko lang alam kung paano at ano ang susunod na sasabihin.
Magaling ako magsingit ng mga interjections: "ah, talaga!", "grabe", "ows", "ang saya", "haha" sa usapan, kasi nga hindi ako marunong makipag-usap.
Nakangiti lang ako kapag lasing.
Nahihirapan akong pagsabayin ang pakikinig at pagsasalita. Kaya madalas nakikinig lang ako.