Tyrone Jann Cabañeros

Makati City, Philippines

Tyrone Jann Cabañeros

Makati City, Philippines

INT. LOOB NG MALIIT NA BAHAY. HAPON

Maririnig lang sa paligid ang mahinang tunog ng ihip ng hangin. Tila kakatapos lang ng pagbuhos ng malakas na ulan na bumasa sa paligid. Sa loob ng bahay, mapapansin ang isang maliit na balde na sumasalo sa mga patak ng ulan na hinigop ng butas ng bubong ng bahay na iyon. Makikitang nakatalukbong sa puting kumot ang isang batang pinagsisiksikan ang sarili sa sulok ng sala.

Nanay: Anong ginagawa mo d'yan? Natatakot ka sa kidlat?

Agad na nilapitan ng babae ang bata at sabay upo sa tabi nito

Anak: Baka kasi pumasok po ang kidlat at bigla akong tamaan... Natatakot po ako tuwing naririnig ang kulog.

Nanay: Hindi ka nila tatamaan, sinabihan ko na sila. Takot sila sakin. Sabi ko huwag silang lalapit sayo at ako ang makakaway nila.

Anak: Pano mo po nakausap ang kulog at kidlat?

Nanay: Hindi na 'yun mahalaga. Basta't mahalaga, andito ako sa tabi mo, ligtas ka.

Anak: Hindi mo po ako iiwan?

Nanay: Walang dahilan...

Anak: Salamat po.

Mapapansin ang isang bagay na bumabagabag sa babae. Ang ngiti niya ay may kasamang pait at poot. Ngumiti ng maluwang ang bata na sinuklian ng galanteng ngiti ng babae.

EXT. HARAP NG ESKUWELAHAN. UMAGA

Nagkakagulo ang lahat ng bata sa labas ng klasrum. Wala ang guro sa pagkakataong ito at pinalabas muna sila sa klasrum para makapaglaro. Agad lumabas ang isang payat na bata. Tumahik ang lahat ng bata. Mpapansin sa mga mata nila ang pagtataka.

KAKLASE: Bakit hindi ka makipaglaro?

KAKLASE 2: Kasi wala naman siya makakalaro. hahahah!

Sabay bulalas ng tawanan

KAKLASE 3: Bawal kasing makapaglaro 'yan sa atin. Kasi lampayatot siya. Baka mabali mga buto niya!

KAKLASE 2: Hindi kasi Mama's Boy Siya! Papagalitan siya ng Mama niya kasi madudumihan siya at maaalikabukan siya!

Tawanan ulit.

KAKLASE 2: Hindi naman kasi siya magiging Papa's Boy kas wala siyang tatay!

Unti-unting umalis ang batang tinutukso. Na nangingilid ang luha at nakakaramdam ng sakit na siya lang ang makakaintindi kung saan nanggagaling.

  • Work
    • Media Researcher
  • Education
    • Southern Luzon State University