Yen Ruiz

Yen Ruiz

Here we go. Ako si Yen. Amateur blogger (yes, not writer) kaya ang marami kong grammar mistakes are inyong pagpasensyahan. I'm currently here in New York, currently struggling, currently nakikipagsapalaran-ing, and currently missing the Philippines. Grumaduate ako ng kursong Narsing sa Trinity - St. Luke's doon sa mahabang E. Rodriguez sa Quezon City. Pero tagabundok talaga ako. Sa Antipolo kasi ako lumaki. Pwede mo akong maging kaibigan, pwede din namang hindi (your choice). Mahilig akong kumain, hindi lang halata sa mukha at sa built ng katawan ko. Madali lang naman akong maging kaibigan e, masayahin ako, mukha lang mataray. Pero kung anong laman ng utak ko, sasabihin ko talaga. Kung malaki yung cheeks mo, kung kamukha mo si Lady Gaga (furreal, may sinabihan ako nito, as a compliment) at kung ang pangit mo today. (Today lang naman e, tomorrow is another day diba?) Marunong naman din akong lugar, may class naman ako teh. Mababaw lang ang kaligayahan ko, pero may konting trust issues. Sabi nila, mabait ako, eh di good. Sa ngayon, ineenjoy ko lang ang survival dito sa Estados Unidos. Survival sa lamig, sa pera, at sa homesickness. Meron naman din akong mga kaibigan dito, pero yung ibang kwento ko, hindi nila magets. Kaya namimiss ko talaga nag Pilipinas. Pero career mode muna ako dito, kahit may stress-related pimples ako, masaya naman ako. Mapapansin niyo din sa blog ko ang napakaraming kakornihan na binabara ko din naman. Oo mga teh, sige, lahat naman tayo may pagkabaliw diba? Mas malala lang siguro yung sakin. Passive-aggressive ako, sabi ng bestfriend ko. Sabi naman ng ibang tao, bully ako sa mga kaibigan ko. Ewan ko, ilang oras nako dito sa About Me na ito e wala pa din ata akong magandang naisulat. Basta, magbasa ka na lang. Don't forget my ReadMeFirst! :)